Sunday, August 1, 2010

SIno ang kanino?

  

  Ilang taon na rin ang lumipas mula noong nagkaroon ang Pilipinas ng sariling pamahalan. Sabi ng karamihan, ito raw ay isang hudyat na nakakatayo na ang mga Pilipino sa kanilang sarling mga paa. Sa isang banda, tama nga naman. Hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa rin tayong pamahalaan na pinaniniwalaang "gabay" ng mga Pinoy. Hindi ko tuloy alam kung paano ko paniniwalaan ang huli kong pahayag. Hindi ko alam kung bakit ko pa nga ito nasabi e. Hindi ko nilalahat ang lahat ng opisyales ng bansa. Sa katunayan, hinati ko sila sa dalawang katawagan,: ang PUBLIC OFFICAL at POLITICIAN.

Isa siyang PUBLIC OFFICIAL kung:

   Organisado ang mga proyektong inihain niya sa mga mamamayan. Wala siyang ibang hinahangad kung hindi ang kapakanan ng kanyang nasasakupan. Parati siyang handang makinig sa mga saloobin nila. Hinihimay niya ang bawat detalye at pinagiisipan niyang mabuti kung ano sa tingin niya ang makakabuti sa nakararami. Sandalan siya ng kanyang mga nasasakupan. Tinuturing siyang  idolo. May imahe siyang ":makamasa". Higit sa lahat, kung sa tingin niyang wala siyang  nagagawang mabuti, siya ang magkuksang umalis at bumaba sa kanyang posisyon. ISA SIYANG PUBLIC OFFICIAL!

Isa naman siyang POLITICIAN kung:

   Walang ibang tumatakbo sa isip niya kung hindi ang pagtakbo sa susunod na eleksyon. May mga proyekto rin naman subalit sa bawat proyekto, hindi maaring mawala ang mga naglalakihang "tarpaulin" na nakabalandra ang mga mukha at pangalan nila. Para saan ang mga ito? Siyempre, para sabihin sa lahat na sila ang nagpagawa ng proyekto.Kung hindi naman tarpaulin o streamer, ang mga tulay, daanan, o kalsada na ipinagagawa ay kadalasang kakulay ng kanyang sinismbolong kulay.   Gumagawa siya ng magandang imahe upang hindi siya makalimutan ng kanyang nasasakupan sa darating na eleksyon. Sigurado rin na magiging maingay ang pangalan niya kapag malapit na ang eleksyon. Dito na lalabas ang lahat ng mga proyektong ginawa niya. Ultimo pangalan ng mga natulungan niya,asahan na nating lalabas ang mga iyan. ISA NGA SIYANG POLITICIAN!

    Hinihiling ko lang na sana ay magising na tayong mga Pinoy sa pakikibahagi sa mga gawaing pambansa. Kilalanin ang bawat pinuno at alamin kung isa nga siyang PUBLIC OFFICIAL o POLITICIAN.

10 comments:

  1. I'm sure lahat ng pinoy makakarelate dito.. I just wish na hndi sana lahat ng government personalities ay mga POLITICIANS lang..

    ReplyDelete
  2. katuwa naman tong artcile na to.iisipin ng mga nakakabasa makabayan ka talaga. hndi nila alam magaling ka lang talagang magsulat. hahaha. dami mo na kasi experience sa ganyan girl

    ReplyDelete
  3. magakiba pala yung terms na yun no. natawa ko sa article na to. katuwa din kasi yung writer e. o sabihin mo n naman bola ha.

    ReplyDelete
  4. alam mo you're such a smart girl. lalo mo ko pinabibilib. always keep up the good work. pero teka,hindi ka ba mapapaaway diyan sa article na to? hehe. pero kapag napaaway ka, alam mo na. magtago na silang lahat. patay sila sakin. hehe. iloveyou!

    ReplyDelete
  5. ,,,sis para xkin lahat politicians ehh,,, wahehe,,,padalaw sa blog mo ha,,, miss ka na nmen,,, dalaw ka daw minsan xbe mama,,,wahehe,,

    ReplyDelete
  6. ANG CUTE MO TALAGA!! hahaha.. smart ka pa... la qo msbe sayo....kala mo zerius ka talagng tao e no? hahaha,.,.

    ReplyDelete
  7. keep up the good work.,aral ka mbuti huh.,

    ReplyDelete
  8. .,sanay na sanay na ko sa mga pulitiko na yan., kya nga hindi na ko bumuboto., hehe

    ReplyDelete
  9. PUBLIC OFFICIAL O POLITICIAN???
    di ko alam eh!!!
    basta ako I vote the right person...
    we all can make mistake...
    nobody is faultless in this world...
    but we can do more better for our COUNTRY!
    Go Philippines... wake up!!!

    sorry ha inaantok na ksi ako eh!!!
    hehehehehe...

    ReplyDelete
  10. bwal magreklamo ang hindi bumoto!

    ReplyDelete