Saturday, July 31, 2010

A letter for myself..

To my childhood partner;                                                                                             Kamusta ka na kaya? Tama ba itong tanong ko? O mas mabuti na itanong ko kung kamusta na ako. Iyon siguro ang mas mainam na katanungan. Bakit ka na naman magkakaroon ng problema diba? Natatandaan ko pa dati (nung mga panahon na ikaw ang kasama ko), wala tayong ibang ginawa kung hindi ang maglaro at magtawanan. Naalala ko pa nga, ang pino-problema lang siguro natin ay yung oras ng pagligo natin at maging iyong oras ng pagtulog natin sa hapon. Diba iyon ang pinakaayaw natin na oras ng araw natin?Naalala mo pa noong tinatatakot tayo ni lola na          
kakainin daw tayo ng "bunot" kapag hindi daw tayo natulog? Grabe yun, takot pa naman ako sa bunot noon. Tapos lagi ka pa tatakutin ng lola mo. Grabe talaga.                                                                             

       Alam mo ba, hindi na ganoon iyon ngayon. Lagi na ako naghahanap ng bakanteng oras para matulog. May mga pagkakataon pa nga na kahit sa eskwelahan, natutulog na din ako e. Siguro epekto iyon ng napakaraming gawain ko sa paaralan. Ilan taon na rin naman ang lumipas. 

       E naalala mo rin ba iyong mga panahon na kapag nagkaroon ng maliit na problema ay makakaiyak tayo kahit gaano kalakas na naisin natin. Ay naku, hindi ko na pwede gawin iyon ngayon. Kapag ginawa ko iyon, malamang pagchi-chismisan ako ng mga taong makakakita sa akin. Iiyak lang siguro ko ngayon sa harap ng mga taong malalapit sa akin (iyong mga makakaintindi sa akin). Hindi na rin ako pwede maglaro ng mga paborito nating "barbie dolls" tulad ng dati. Namimis ko na nga laruin iyong koleksyon natin ng "sailormoon dolls" e. Walang humpay sa paglalaro hangga't hindi pa oras ng pagkain o pagligo.Kung hindi naman "barbie dolls", nariyan iyong lalabas tayo at maghahanap ng mga kalaro. Taguan, patintero, habulan at iyong paborito nating laro, "paglalaro ng holen". Panay pa ang pakikipagpustahan natin sa mga kaibigan nating lalaki. 

      Ang sarap ng buhay natin noon no? Walang problema, walang mabibigat na iniisip. Patawad PARTNER, hindi na kita masasamahan ngayon sa ganoong uri ng buhay. May mga obligasyon at tungkulin na rin akong kailangang gampanan ngayon. Iyan na ang bagong AKO ngayon. 

        Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ko malilimutan ang mga pinagsamahan natin. Isa iyon sa mga hindi makakalimutang parte ng buhay ko. 

7 comments:

  1. I really miss my childhood years.. Heheh..

    ReplyDelete
  2. Bakit abby may nagbago ba?bata ka pa rin para sa amin e.hahahaha.muka ka nga lang preschool e. mahilig ka pa rin pala magsulat no?kita-kita naman tayo ulet.miss ka na nila daniel.hahahaha

    ReplyDelete
  3. wew.. hehe. ANKYUT aman ng letter na to.. haha !

    ReplyDelete
  4. ```namiss q 2loi ung mga kaibgan q nung bata aq,,, ung mga panahon na nangongolekta kami ng tirang kandila sa mga gate pagtapos ng araw ng mga patay at gagawing bilog.. saya. pati ung salitang "namamasko po" hehehe nangangaroling aq dati ngaun ndi na Y_Y sad.

    ReplyDelete
  5. talagang nakakamis no. sabi naman nila isip bata ka pa rin e. hindi ka naman ata apektado e. haha,peace.

    kaw ang miss ko e. hehe

    ReplyDelete
  6. 'ako taguan madalas naming laro.pati ghost hunting,paborito namen yun.kamiss nga.

    ReplyDelete
  7. It is always good to remember our childhood... but we cannot stay in it.
    life must go on...
    we grow older and older and older...
    hope not only our age but also our knowledge, attitude and how we deal with others.
    Ok i'm getting old na eh!!!
    obvious ba???

    ReplyDelete