Thursday, July 8, 2010

Ang Aking "Superman"..

He's just an amazing guy for me..

Sino sa inyo ang may itinuturing na idolo? Sigurado marami sa atin ang humahanga sa mga sikat na artista, mga banda, mang-aawit, at marami pang iba. Ako rin ay tulad ninyo. Mayroon din akong hinahangaan. Hayaan nyo kong ipakilala siya sa inyo at tiyak ko na mauunawaan nyo kung bakit siya ang napili ko.

Isa siya sa mga pinakasimpleng tao na nakilala ko. Hindi mahilig sa anumang luho sa katawan. Wala siyang ibang iniisip kung hindi ang kapakanan ng kanyang pamilya. Mapagmahal at maalaga, iyan ang ilan sa mga katangiang gustong-gusto ko sa kanya. Saksi ako kung paano niya inaalagaan ang kanyang pamilya. Kinalimutan ang sarili para maibigay ang nais ng mga mahal sa buhay.

Hindi ko pagsisisihan kahit na isang minuto na nakasama ko siya. Masaya siyang kakwentuhan at sadya nga namang mapagbiro. Isa siyang kaibigan, karamay at sandalan para sa akin. Isa siya sa mga taong una kong naiisip na pagsabihan ng aking mga saloobin. Alam ko kasi ang katotohanan na pakikinggan at paniniwalaan niya ko. Sa tuwing ako ay mahina, pinipilit niyang maging malakas para sa akin. Siya ang naging daan upang marating ko kung ano man ang knatatayuan ko ngayon.

Maraming pagkakataon na rin na kung saan nagkaroon kami ng alitan. Nariyan ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa. Bagamat may mga pangyayaring ganoon, alam ko na sa mga panahon na hindi kami masyadong nakakapagusap ay wala pa ring mababago sa anumang samahan na nabuo namin.

At ngayong malayo siya sa akin, alam ko na palagi niya kaming inaalala. Nasasabik kami sa araw na muli namin siyang makikita at makakasama.Nasasabik na rin akong makasama ulit ang aking idolo. Lagi mong tandaan Papa, ikaw ang aking SUPERMAN.s

16 comments:

  1. Ferdinand Villanueva, basahin mo po 2.. I love you..

    ReplyDelete
  2. ang sweet naman. inggit ako. hehe. dapat ganyan ka palagi ha. ok sa akin kung c papa ang superman mo, basta ako ang prince charming dapat ha. hehe.

    ReplyDelete
  3. sana ako na lang naging papa mo,,

    ReplyDelete
  4. ikaw?? asa ka naman. ambisyoso ka. ako kaya yun.

    ReplyDelete
  5. wow aman,, ang swit na anak.. malmang matotouch si tito sa article na yan.. npaka sweet tlaga lalo n kapag nasa mood.. heheh.. pakisvi kay tito.. ingats xa..

    ReplyDelete
  6. bianca said: sayand, di ata yan mbbsa ni papa.. hehe !! ang sweet ahh.. sna gnyan ka din sken !! :] hehe.. love you papa.

    ReplyDelete
  7. Hi barbz.. ang lupet mag blog aa.. haha! ingats always! ^_^

    pwede kang maging writer talaga! weee..

    ReplyDelete
  8. Ang galing ng pagkasulat,cute din ng blog, wish ko sis may gnyan din akong talent, autobiography nga hirap na ko,,haha,,love you! i will always read your posts,,

    ReplyDelete
  9. Nakakatouch. :)
    Im sure proud sayo dad mo best. Ako din proud. :))

    ReplyDelete
  10. Ferdie Villanueva/ Male ferdieJuly 11, 2010 at 10:03 AM

    Thanks ha. Kung ako si Supermen IKAW ang cryptonite ko. Kasi hindi ako tatagal d2 kung hindi dahil sau. Napipilitan ako lumaban kapag nakikita ko ang goals mo. Ur one of the best gift God has given me and this piece is one of the greatest gift I have ever recieved...I love you...SUPERMAN

    ReplyDelete
  11. I LOVE MY PAPA.. How sweet nman.. Alam ko na kung knino ko nagmana.. Haha.. Mag-iingat ka po jan.. Ako po, magpapakabait po lgi dito.. Lagi po nmin kayo aantayin.. Love you ulit pa..

    ReplyDelete
  12. wow ahh kakatouch ung message niung mg-ama ah,, hehe,, nkakaiyak,, muntik ng tumulo luha ku.. parehas pu kc kaung sweet eh.. hehe.. Godbless pu.. my pinagmanahan k nga kmbal..

    T2,, ingats pu kayo lagi..

    Godbless

    ReplyDelete
  13. Salamat kambal.. Muah.. Ako nga din ehh,, mangiyak-ngiyak nga din ako pagkabasa..

    ReplyDelete
  14. WOW !! astig. hehe, "PGMMHALAN NG MAG-AMAN" haha !! sali aman !! :]

    ReplyDelete
  15. Thats what we call "LOVE"...
    ang galing naman!!!
    keep on loving... I hope you will LOVE more!!!
    your such a loving woman... i can say that!!!
    totoo naman diba???
    sinu kukuntra????

    ReplyDelete
  16. ```your dad is one of the reasons why do you are here and be thankful to him that he makes you what you are now.

    ReplyDelete