Hindi nyo ba napapansin, napakaraming libro, magasin at kung ano-ano pa ang lumalabas ngayon para magbigay ng mga tips kung paano mapapabuti ang buhay natin? Sigurado ko may mga nabasa ka ng ganyan. Subalit kahit ganoon, mayroon pa ring mga tao na pinipili na gawing miserable ang mga buhay nila. Nandito ko para tulungan ang mga taong iyon. Narito ang mga tips na dapat sundin para gawing magulo at miserable ang buhay mo. * Wag mag-isip ng mga problema mula umaga hanggang bago maghatinggabi. Kapag dating ng alas-dose, simulan ang mabigat na pag-iisip. Isipin ang lahat ng problema kahit yung mga problemang parating pa lang. * Gumawa ng listahan ng iyong mga kahinaan. Huwag isama ang mga tamang nagawa sa buhay. Pumili rin ng mga kaibigan na magpapaalala sa'yo ng mga kapalpakan na nagawa mo. Kung wala kang makita, sigurado ko na mayroon 'yan sa mga kamag-anak mo. * Pangarapin mo ang mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga. Isipin na mas marami pang mas magaling sayo. * Gawin ang lahat ng gawain sa "last minute". Sa ganitong paraan, sigurado na maiistres ka agad. * Matulog kahit apat na oras lang. Uminom ng maraming kape. Hangga't kaya ng katawan, piliting huwag mag-ehersisyo. * Huwag ipaalam sa iba ang iyong nararamdaman. Hayaan mo silang madiskubro iyon sa sarili nila. Isiping obligasyon nila iyon,at hindi sa iyo. * Huwag magtiwala kanino man. Solusyunan ang problema ng mag-isa. * Iwasang magpahinga o kahit ang magbakasyon. Isiping gastos lang yan. At mas mabuti na magtrabaho lang ng magtrabaho. Kaag sinunod mo ang mga tips na ito, siguradong sasakit ang ulo mo. Hindi ba kahit nung binabasa mo pa lang ay ganun na rin ang nararamdaman mo? Let's drive ourselves crazy.
Saturday, July 3, 2010
Drive yourself crazy

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This is one of my favorite na "sinulat" ko when I was in high school..
ReplyDeleteang kulit mo talaga. halata kahit sa way ng pagsulat mo. kaya nga lagi mo ko napapasaya. hehe. wala bang article para sa'kin? pinagseselos mo na naman ako nyan.
ReplyDeleteby,by,by. galing mo talaga.
ReplyDeletedapat sa blog na to sa museo na nakapost hehe :))
ReplyDeletepaborito mo ba? kaya nga ako,ikaw din favorite girl ko. haha. musta na ms kulet? cge ha, tarayan mo ko.
ReplyDeleteGaling! hehe :)
ReplyDeleteMay future...
Talaga lang ha... I don't want to be crazy anyway... ang galing ng mga tips mo na kakatuwa!!! anyway i like it!!! talagang magiging mas malamang kapa sa cryzy niyan... hahahaha.... in fairness ang galing mo!!! your the best promise...
ReplyDeleteagree ako dyan.! ang galing mo magsulat ms moody.,, hahah!! miss you! pwede ka maging writer someday.,, dba dapat kukuha ka din ng journalism nun??
ReplyDelete