Saturday, July 24, 2010

Panaginip na lamang ba?




Isang gabi noon, ako'y nanaginip,
Napadpad ako sa gitna ng gubat.
Nang dumating ako doon, ang ganda ng kapaligiran;
Mayayabong ang mga puno, kay gandang pagmasdan.



Malawak ang karagatan, mga bundok umaagaw pansin;
Ang dami ng mga isda, ang hangi'y kaysarap langhapin.
Mabeberde ang mga halaman, walang makikitang basura;
Noon ko lang naramdaman ang tuwa at ligaya.






Dahil sa saya ang naramdamdaman, ako'y napaluha;
Mula noon, sana'y dati pa ginawa,
Ang hindi inaapi at pinapabayaan na kapaligiran;
Mahalin lang, alagaan, at intindihin ang kalikasan.



Huwag sanang sirain ang yamang bigay sa atin,
Dahil balang araw, sa atin din maibabalik ang galit.
Regalo ito ng Maykapal sa atin, kaya't baguhin na ang ugali;
Sana'y totoo ang lahat ng nangyari, kahit isang panaginip at guni-guni.


8 comments:

  1. oo totoo naman. galing ni ate gumawa ng tula.

    ReplyDelete
  2. nays naman ..
    galing ng ate ko ... hehe

    mai lesson ka tlaga mpupulot .. haha

    ReplyDelete
  3. ang ganda naman nito ms. kaso diba alam mo naboboring ako sa ganito. pero dahil ikaw gumawa, binasa ko talaga lahat ng articles mo. hehe. basta ikaw.

    ReplyDelete
  4. ano naman yung mga batang mukang alien diyan sa gilid? kala nyo cute.

    ReplyDelete
  5. agree naman ako diyan. ang ganda ng poem. nice one

    ReplyDelete
  6. very meaningful. love this too.

    ReplyDelete
  7. ```nature lovers, im one of those. keep clean and green. tapat mo linis mo, dumi m hugas m hehehe...

    ReplyDelete