Friday, July 9, 2010

???


Hindi ko alam kung bakit ako nagsulat at “nag-post” ngayon ng wala sa oras. Sa totoo lang, kanina pa ako nagiisip na maari kong isunod na isulat dito. Nakakatuwang isipin na dahil sa isang insekto na nakita ko ay nakaisip ako ng maaring isulat. Hulaan nyo kung ano iyong tinutukoy ko? Ipis.

Ewan ko ba, ngunit sa tuwing nakakakita ako ng ganitong insekto, kakaibang takot na agad ang nararamdaman ko. Sabi ng nanay ko, subukan ko daw pumatay ng isang ipis at mawawala iyong takot na sinasabi ko sa inyo ngayon. Siguro sabihin na lang natin na hindi ko narinig ang anuman dun dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa. Sa tuwing makakakita ako ng mga ipis sa loob ng aming bahay, sigurado na may maririnig ka na agad na sumisigaw at kung kani-kaninong pangalan ang tinatawag.Nariyan pa yung tipong magbabagsakan yung mga plato sa kusina. Huwag ka na magtaka kung sino yun, walang iba kung hindi AKO. Tunay nga namang ang lakas ng “impact” nila sa akin, walang duda. Mas malakas ang “impact” sa akin ng mga ipis na lumilipad. Sila ang pinakanakakasindak sa akin. Nakakatakot. Ngunit siguro, may bahagi din na nakakatuwa doon. Iyon ay yung kapag naghahabulan na kaming dalawa. Ako yung hinahabol.

Naalala ko may isang pagkakataon na kung saan halos hindi talaga ako nakatulog magdamag. Tag-ulan noon. Sa tuwing ipipikit ko na ang aking mga mata, may mga mararamdaman akong gumagawlaw. At tama ka, iyon nga ang aking mga bespren. Talagang ayaw akong patahimikin. Hanggang sa pagtulog ba naman? Kaya nga badtrip ako nun paggising ko. Ikaw ba naman ang hindi matulog sa gabi diba?

Sila nga ang nagpatunay sa akin nung madalas ko naririnig na "Lahat ng nakikilala mo ay may gagawing mahalagang parte sa buhay mo". Tama nga naman. Tulad nila diba? Sila siguro yung mga maituturing kong KATAPAT ko. Iyan ang mga ipis para sa akin.

10 comments:

  1. Salamat sa lahat ng nagcocoment.. Read this, mukang kalokohan pero may lesson behind this..

    ReplyDelete
  2. kacoment-coment naman kasi talaga mga articles mo., hehe., kaya nga bilib na bilib ako sayo., eversince.,

    ReplyDelete
  3. alam ko lesson nyan, pwedeng face your fears., pwde ring yung sinabi mo sa dulo., tama ba ko mhie?? hehe.,

    ReplyDelete
  4. NAx. I love this article. :))
    Galit kase ko sa ipis! haha. :DD

    ReplyDelete
  5. You're really good. Request lang,please write one article in english. I want to see your grammar. I will read it once it is finished. Hehe. All your articles are full of humor and funny thoughts. I like all of them. Hehe.

    ReplyDelete
  6. English?? Ok poh.. Next article na ipopost ko english.. Heheh.. Tnx sa comment mo.. I know that I know you.. Heheh..

    Tnx din sa iba pang mga comments..

    ReplyDelete
  7. hehe,, kaenjoy toh ahh,, natawa aku s article na toh,, naalala ku din ung mga alag namin,, naexperience ku na din ung mga naexperience mu.. hehe..

    ReplyDelete
  8. di ko alam kong bakit...
    pero we are really different...
    if i see a "IPIS".....
    patay yan agad!!! kawawa naman.......
    nakakatuwa ka talaga...

    ReplyDelete
  9. haha. asu ahh !! hanggang dto, ipis pden naiiisip mo !! :] takte.

    ReplyDelete
  10. aw, nangangagat yan dba? may rabis b yan? ^_^ auq nyan lalo n ung mga lumilipad katakot, ang kati kasi sa katawan ung paa nila peo masarap paglaruan, hawakan m lng sa antenna nila ala n palag yan ^_^

    ReplyDelete