Problema, problema, problema. Pamilyar tayong lahat sa salitang iyan. Araw-araw mo ba namang harapin hindi ba? Lahat raw ng tao ay may problema. Lahat ay may iniisip, lahat ay may dinaramdam. Ngunit bakit may mga taong masaya, may mga tao rin namang problemado at aburido sa buhay? Simple lang ang kasagutan diyan, ang pagharap sa mga problema ay nasa tao rin. Nasa sa iyo kung paano mo dadalhin ang iyong mga suliranin at kung paano mo ipagpapatuloy ang iyong buhay sa kabila ng patuloy nilang pagdating.
Upang maging matibay raw sa pagharap ng mga suliranin, kailangan raw ang pagkakaroon ng ugaling "positibo" sa lahat ng bagay. Ultimo bato kailangan mong isipin na mapapagalaw mo, ganyan ang dapat nating maging pananaw sa buhay. Aminin natin, hindi madali ang mga ito. Iyong simpleng hindi ka nga sinipot ng ka-date mo, halos bagsakan ka na ng langit at lupa hindi ba? Paano pa kaya ang mabibigat pang mga problema. Mahirap nga pero ito ang katotohanan. Pilit mo mang takasan sila, susundan at susundan ka pa rin ng mga iyan. Likas na sa pagiging tao ang pagkakaroon ng mga suliranin. Harapin mo sila, huwag takbuhan.
Patuloy na mabuhay. Ngumiti sa araw-araw. Sigurado ko na sa paglipas ng araw, may bubulong na lang sa iyo na "Ito na ang mga sagot sa problema mo". Hindi ko naman ibig sabihin na kailangan mo lang maghintay at tumunganga hanggang sa makita mo ang solusyon. Gumawa ka rin ng mga paraan. Samahan ng kilos at pagdadasal. Iwasan ang pag-inom at pagbibisyo sa tuwing may hinaharap na mabigat na bagay. Sinasabi ko sa iyo, lalo mo lang binibigyan ns sakit ang ulo mo. Ika nga nila, paano mo malalaman ang tunay na kahulugan ng liwanag kung hindi mo naman naranasan ang kadiliman? Paano mo malalaman ang kahulugan ng pag-asa kung kahit minsan ay hindi mo naranasang mahirapan at lumuha? "Eh ano kumg marami kang problema ngayon, malay mo bukas may solusyon na ang mga ito?" Sabihin mo iyan sa iyong sarili tuwing makakaramdam ng kawalan ng pag-asa. Hindi problema ang binibigay ng Maykapal sa atin kung hindi mga "pagsubok" na magpapatibay ng ating pagkatao. Mga pagsubok na magiging daan upang maging malapit tayo sa KANYA. Sa tuwing sisikat ang araw , hudyat nito'y panibagong araw at PAG-ASA.
A very inspiring essay. Basahin nyo. I was inspired with life's trials when I actually write this.
ReplyDeleteTlgang so inspiring ang article mo. Its right that a person should not complain with his/her problems. Be strong enough to face them. That's courage. You're such a talented daughter abby. Keep it up. Ilove you, Godbless!
ReplyDeleteang problema ay bahagi lang ng ating buhay
ReplyDeletekung pa-ano ito haharapin ay hinde problema
maraming solusyon ang pwedeng makuha
sa tulong at suporta ng ating mga ina
pati narin ng tropa, tita, at ama
kaya wag kang mag iisip na ikay nag iisa
pagkat sa gabay nya ikay hinde nawawala
wag mong aakalain n ikay naiwan na
pagkat sa pag mamahal nya ikay hinde mabubura
kaya harapin ang problema ng buong sigla
pagkat pag tapos nito ay ligaya ang dala
bumangon kung nadapa, tumawa kung masaya
umiyak kung malungkot kumain pag gutom, matulog kung pagod,at pag gising mo mundo ay mas maganda na. lalo na kung joker ay kasama pa. hehehe
Mahirap talaga kapag may problema., peo tama wala naman tayo mgagawa para pigilin yun., harapin na lang natin ng buong puso!
ReplyDeleteTama nga naman. Ang ganda naman ng article na to. Agree ako diyan. Ako nga may pinoproblema ngayon, about sa girl. Andami talaga problema. Hehe. Kaso nawawala yun basta makita ko na siya. Lahat talaga ng problema may solusyon. Hehe.
ReplyDeletetama., parang ikaw my. you are such a strong woman para sakin. aburido ka rin kpag may mga problems but there are still those "kakulitan" na makikita sayo. Isa yun sa mga favorite kong ugali mo. You never forget to cheer up the persons around you. Isang banat mo nga lang natatawa na ko kahit sobrang NABADTRIP ako. and alam mo naman yung mga kadalasang dahilan nun.haha. i love you!
ReplyDeletevery inspiring..... very positive ang message.... galing....
ReplyDelete````hindrances isnt there to make you feel stress, is just that how you face it,negatively of positively. dba dba.
ReplyDelete