Madali lang humuli ng magnanakaw. Hindi na kailangan ng mga high-tech na gadget para manmanan ang sino mang pinaghihinalaang magnanakaw. Hindi na kailangan ng mga hidden camera at magnanakaw alarm. Kailangan lang magmasid. Kailangan lang ng matalas na pakiramdam at mahinuhang pag-iisip.
Madaling maispatan ang mga magnanakaw kung kaya’t madali lang hulihin ang mga taong ito. Sa unang tingin pa lang ay malalaman na agad kung ang isang tao ay magnanakaw o hindi. Palaging nakangiti ang isang magnanakaw. Maaliwalas ang kanilang mga mukha, tila ba laging handa sa kodakan, laging handang maki-pagkamay at magpakuha ng litrato sa kanilang mga fans—parang artistang gaganap sa isang commercial. Ngunit alam ng lahat na bagamat mukhang mabait ang isang magnanakaw dahil lagi siyang nakangiti, naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon para makapagnakaw. Alam ng isang magnanakaw kung hindi panahon para sa big time na nakawan.
Kadalasang hindi nagpapalit ng damit ang magnanakaw dahil, mas malamang sa hindi, ang magnanakaw ay may favorite color. Ang isang magnanakaw ay nagiging popular dahil sa kanyang favorite color. Dito siya nakikilala. Dito rin nakikilala ang mga sumusuporta sa kanyang layuning maging isang big time na magnanakaw. Importanteng maging maingat ang isang magnanakaw dahil hindi basta basta ang pagpili sa favorite color: hindi pwedeng manggaya. Tulad ngayon , sa paglantad ni yellow#2 na interesado siya sa pagnanakaw ay parang ikinakampanya na rin niya si yellow#1. Kunsabagay, nauna naman talaga si yellow#1 sa favorite color na ito dahil ito ang pinili ni mommy at daddy para sa kanya. Nakatatak na rin sa marami na ito ang favorite color niya kaya delikadong agawin ang pwesto niya sa nasabing favorite color. Sino ang talo ngayon? Eh di ako.
Maraming friends ang isang magnanakaw at kadalasan silang nagmumukhang pedophile dahil mga bata ang mas karaniwan nilang ginagamit sa pagpapaamo sa mga balak nilang nakawan. Laging may mga magic word at kung anu-anong formula ang isang magnanakaw sa pagpapaamo ng future victims. Dapat mahirap lang ang isang magnanakaw, mas madali kasing makuha ang loob ng mga tao kapag ganito. Dapat ang isang magnanakaw ay may malasakit, dito niya tunay na malalaman kung kailan ang tamang panahon para malansi ang mga tao. Sa ganitong paraan, magtatagumpay siyang maisama sa listahan ng mga big time na magnanakaw.
Minsan, ang isang magnanakaw ay nabibigyan ng isa pang pagkakataong maging big time na magnanakaw ulit (ang pagiging big time na magnanakaw kasi ang pangarap ng lahat ng magnanakaw at gagawin ng isang big time na magnanakaw ang lahat para ma-extend ang kanyang big time na pagnanakaw). Minsan kasi, may pagkakataong sumusobra sa pwedeng nakawin ang ninanakaw ng big time na magnanakaw. Sobrang laki kaya’t nahahalata na ng kanyang mga fans na nagnanakaw nga siya. Dahil dito, naiingit na ang mga myembro ng Union ng mga Magnanakaw kaya’t patatalsikin na siya sa union. Tulad ng nasabi na kanina, may pagkakataon pang maging big time na magnanakaw para bigyan siya ng karapatang maging big time na magnanakaw ulit. Hangga’t marami pang friends, fans at kabataang magpapagamit sa isang magnanakaw, pwedeng pwede pa rin siyang maging big time na magnanakaw.
Madalas na kumakampi sa dati ng big time na magnanakaw ang isang magnanakaw. Mas madali ito dahil susuporta na rin sa apprentice na magnanakaw yung mga fans at friends ng big time na magnanakaw. Hindi na masyadong mahihirapan ang apprentice na magnakaw para ipakilala sa lahat ang sarili. Sigurado na rin na malaki ang tiyansa niyang manalo dahil sa instant landslide na maaa- ring ipataw sa kanya ng magic makina ni big time magnanakaw. Mas marami pa ang points sa possible landslide win na ito kaysa sa aktwal na bilang ng future victims. Hanep.
Hindi inaamin ng isang magnanakaw ang mga bintang sa kanya. Sino nga naman ba ang aamin sa overpricing ng kapirasong kalsada? Sino ang tatanggap sa katotohanan na tuta lamang siya ng big time na magnanakaw? Sino ang aaming umiiwas siya sa usapin tungkol sa lupa at sa benepisyong dapat na natatanggap ng mga magsasaka? Sino ang aaming nagnakaw siya ng sobra pa sa pwedeng nakawin kaya siya napatalsik sa Union ng mga Magnanakaw? Syempre wala. Pilit na ngingiti ang isang magnanakaw sa lahat ng intrigang ipinupukol sa kaniya, parang artista. Dahil sa oras na aminin ng isang magnanakaw ang mga kasalanan niya maliban sa pagnanakaw, maraming mawawala sa kaniya. Mawawala ang mga ngiti, mawawala ang friends. Hindi na ipopokus sa makinis niyang mukha ang soft lens ng camera kaya ang makikita na lamang ay ang naglalakihan niyang pores. Mawawala lahat maliban sa kanyang favorite color.
Madali lang namang humuli ng isang magnanakaw. Hindi na kailangan ng mga hidden camera o ng mga high-tech na gadget. Kailangan lang maging mapagmasid.
Baka isipin nyo kalokohan lang 'to.. This is to simply show that awareness is always needed kahit sang mga bgay.. Para hndi ka nloloko or naiisahan ng khit na sino..
ReplyDeletewalang duda na naging estudyante talaga kita.article mo tlga lahat to?ang gaganda.hndi nkakatamad basahin.kaw ha hindi mo lang sinabi na may blog ka para nkakabasa pa rin ako mga articles mo.nkita ko lang sa facebook mo. naalala ko tuloy nung may mga contest pa tayo. tlgang practice ka. kya kita mo ngayon,sanay na sanay ka mgsulat. congrats anak!
ReplyDeleteoh e2 na epal aa .. hehehe ..
ReplyDeletekw tlga ... salamat epal aa ..
e2 lang hi2ramin ko aa ..
:D
lovelove epal .. mwa mwa .. :D
dapat mbasa to ng lhat na ng naging biktima ng ganitong mga crimes. yes tama ka, awareness tlga ang kelangan.npadalaw ulit ako sa blog mo. ang dmi na pla nadagdag dito.hehe. nice.....
ReplyDelete```laban b e2 sa manok kong c villar?? dont judge him by others do, how wonder kung bkt gnun, kc cnisiraan lng xa, dami lng insecure sknya.
ReplyDelete