Saturday, August 28, 2010

GWAPO vs. HINDI GWAPO

Advantages ng Pagiging Gwapo

  1. Sinasabihang "Mukhang mayaman" kahit wala namang pera
  2. May lisensya maging babaero / lalakero
  3. Madaling maka-utang, at medyo madali pagkatiwalaan (parang ganito: "Sige, gwapo ka naman eh...")
  4. Lahat ng trabaho bagay sa kanya
  5. Lahat ng kulay ng damit bagay sa kanya
  6. Isang matinding pa-kyut lang ang kailangan para paunahin sya sa pila. Minsan nakaka-libre rin ng meryenda at gupit.
  7. Okay lang maging bobo. Daanin na lang sa "looks"
  8. Pwede maging artista. Pwede rin maghanap ng mayamang matronang doktor na namimigay ng kotse, bahat, at pera.
  9. Okay lang kahit hindi na mag-aral. Siguradong pakokopyahin ka naman ng katabi mong babae (o bading), o minsan ipapasa ka na rin teacher mong babae (o bading)
  10. Kahit hindi maligo, mukha pa ring mabango at fresh na fresh.


Disadvantages ng Pagiging Gwapo
  1. Habulin ng mga matrona, babae, at mga babae-at-heart
  2. Hindi pwedeng mangulangot o maghihinunuli sa harap ng maraming tao (walang breeding!)
  3. Minsan sinasabihang "bakla"
  4. Laging sinisiksik sa loob ng MRT / LRT / Bus kahit maluwag naman
  5. Nakakahiyang tumawad sa palengke (Sasabihan ka ng "Gwapo na sana, wala naman palang pera")
  6. Napagkakamalang mayabang, suplado, at babaero.
  7. Walang karapatan magkaroon ng tinga sa ngipin, muta sa umaga, at ng kulangot, at bawal rin tumulo ang laway pag natutulog.
  8. Akala nila mabango rin pati utot.
  9. Laging nacha-chancingan sa jeep, bus, mrt/lrt, gym, sinehan, at kung saan-saan pa.
  10. Bawal magkaroon ng putok o bad breath.

Advantages ng Pagiging Hindi Gwapo
  1. Napapatawa mo ang mga kaibigan kahit hindi ka talaga nagpapatawa.
  2. Okay lang kahit magkaron ng putok at bad breath.
  3. Hindi sinusundan ng makukulit sa Saleslady.
  4. Okay lang makipag-suntukan at mag-hamon ng away. wala namang mawawala sa mukha.
  5. Mabenta tuwing Halloween.
  6. Okay lang magkaroon ng scandal, wala namang papansin.
  7. Hindi na kailangang gumastos para sa Facial, Foot Spa, Eskinol Master, Glutathion, etc. 
  8. Okay lang mangulangot, umutot, dumighay, at dumura sa harap ng maraming tao.
  9. Hindi pinapansin sa mga madilim na eskinita, walang risk ng hold up / pickpocket / kidnap.
  10. Tinatawag syang "Magaling" kapag naka-chamba na makakuha ng girlfriend na maganda.

Disadvantages ng Pagiging Hindi Gwapo
  1. Pinagtatawanan kahit hindi naman talaga nagpapatawa.
  2. Laging pinagbibintangang magnanakaw, rapist, snatcher, akyat bahay, shoplifter, at iba pa.
  3. Kahit ilang beses maligo at magpabango, mukha pa ring mabaho.
  4. Bawal maging artista. Pwede siguro kumedyante o kaya stuntman o kontrabida sa pelikula.
  5. Palaging pinagkakamalang manyak sa mrt / lrt / bus / jeep.
  6. Kailangan maging matalino, mabait, at ma-pera. Paano na lang kung pangit ka na nga, mayabang pa, bobo, at walang pera?
  7. Kahit anong mahal ng damit at sapatos (branded at designer clothers), iisipin pa rin na galing ito sa ukay-ukay.
  8. Palaging inihahantulad sa hayop o kaya bagay.
  9. Paboritong batuhin ng teacher ng eraser, chalk o libro.
  10. Kapag nagka-girlfriend ng maganda, sasabihan ng "Ginayuma lang." Kapag kapwa pangit naman, "Birds of the same feather flock together."

12 comments:

  1. This is dedicated to someone that's so close to my heart.. Haha.. Cgurado tatamaan xa dito.. Nangyayari yan sknya sa tunay na buhay.. Haha..

    ReplyDelete
  2. Love you pala.. Para sayo tlga to.. Haha..

    ReplyDelete
  3. Hala, tawa na naman tayo ng tawa. Kaw talaga. Puro ka kalokohan. Bkt sinisiksik ba ko sa MRT? Hindi kaya. Kc hindi naman ako sumasakay dun. Pero cnusundan nga ko ng mga saleslady. Badtrip. Haha.Patawa ka kc lagi eh, love you!

    ReplyDelete
  4. I love you na naman, tapos mangaaway ka na naman. Gnyan ka naman e. Hindi na ko papadala sa mga ganyan.

    I LOVE YOU MORE PALA!! haha.joke lang yun.

    ReplyDelete
  5. ..hndi ako mkaconcentrate sa post.. ang sweet kc nung dlwa., kakilig., whaha.,

    ReplyDelete
  6. ., pero agree ako sa post na to., whaha., kaw din jp? hahaha., hirap ba mgng gwapings?

    ReplyDelete
  7. Ui hindi a. Ok lang skn. Kaw talga Mean. Hindi ko alam kung nambobola ka lang o nangaasar? Ano ba tlga? Hehe.

    ReplyDelete
  8. .. Ui teka, may sakit ka tsong? Namansin ka ngayon ha., whaha., kaw dba si dedma king? saksakan pa ng sungit., pero gwapo pa din., whaha., hindi yun bola., dba barbz??

    ReplyDelete
  9. grabe naman. gwapo vs hindi gwapo. san ako dun?malamang sa hindi gwapo. dba barbs? pero natawa ko nung binabasa ko. haha. nice.

    ReplyDelete
  10. Ayun un o. Eto pborito kong article dito. dba jp?? haha. para skn talaga to. bagay skn bwat detalye. by, bka ako naman naiisip mo nung pinost mo to ha. haha.

    ReplyDelete
  11. kmbal,, wahahaha,, natawa aku dito ah,, ito ung panahong mgkatxt atu dba.. ito pala.. hehe,, hanep nga ung basaehan mu s artcle na toh.. hehe.. kaaliw..

    ReplyDelete