Thursday, August 26, 2010

Tatak Noypi..

     Ang mga Pinoy ay sadyang mahilig kumain, Kumpleto yan, nariyan ang Breakfast, Lunch, Dinner at kung minsan nadadagdagan pa ng Brunch, Meryenda at pahabol na Midnight Snack. Isa sa mga paboritong lantakan ng mga Pinoy ay ang tinatawag na Street Foods. Bukod kasi sa abot kaya ang Presyo nito ay hindi ito mahirap hanapin dahil sa panahon ngayon ay naglipana na ang mga nagbebenta nito. Isa sa mga Popular na Street Foods ay ang tinatawag na Balot na kalimitang itinitinda pag sapit ng Gabi.


Ang Balot o Boiled Pre-hatched Eggs ay hindi lang sa Pinas popular dahil kilala din ito sa bansang Cambodia at Vietnam. Kalimitang mabibili ang Balot sa halagang 10 Pesos at tiyak na titibay ang iyong mga tuhod sa oras na kumain ka nito. Bukod sa itlog na Balot, hindi mawawala dyan ang Kwek-kwek at Tokneneng na masarap isawsaw sa sukang may Sibuyas at sili.


Ang Kwek-kwek at Tokneneng ay itlog na binalot sa harina na hinaluan ng kulay Orange sabay Prito sa kawaling may matika ay isa din sa mga Popular na Pinoy Street Foods. Ang Kwek-kwek ay kalimitang nabibili sa halagang 2-10Pesos, araw-araw mo ang pagkain nito at tiyak na Highblood ang abot mo.




    Ang Calamares naman ay isang Squid na kalimitang makikita ring itinitinda sa mga kalsada sa halagang 3 Pesos kada piraso.


     Hindi rin magpapahuli dyan ang mga isaw, bituka, IUD, betamax, helmet, addidas o kung ano mang tawag dyan na kinuha sa manok at baboy. ihaw-ihaw, paboritong pulutan ng mga lasenggo dahil sa mura ng masarap pa. Yum! Yum!


     Ang Fishball na yata ang pinaka Kilala at pinaka sikat sa lahat ng Street Foods, Bukod sa ito ang pinaka mura ito rin ang kalimitang inilalako ng mga Tindero sa kanilang Food Kart, Si Fishball ay may bestfriend, kapag nandyan si Fishball hindi mawawala ang matalik nyang kaibigan na si Kikiam at Squidball.





     Syempre pagkatapos mong kumain kailangan may panulak, andyan sina Sago at Gulaman na mabibili sa halagang 5 Pesos pataas.

     Hindi pa dyan nagtatapos ang Food trip ng mga pinoy, busog ka na pero makikita mo pa ang mga pang himagas o pantagal umay sa kinain mo. Nangunguna na dyan ang Dirty Ice Cream, Taho, at Iskrambol. Buuuurrrp... Tapos na uwian na!!!


12 comments:

  1. Dabest talaga maging pinoy noh.. Wlang kapares..

    ReplyDelete
  2. wow.. ngutom aku sa article n toh ahh,, sulit na sulit ung pera mu kpag gnyan ang mga kinakain mu... lalo n ung tokneneang at ice cream.. hmmm.. sarap.

    ReplyDelete
  3. wow.. nagutom ako sa article na toh.. haha. grabe talaga kumain ang pinoy

    ReplyDelete
  4. aw ! sarap niyan aa ? paborito ko .. haha


    iba talaga pinoy

    ReplyDelete
  5. alam kong paborito mo yan. dba nga sabi ko sayo wag ka kumain ng ganyan.hehe. kita mo naman kc mga itsura oh. wala lang,no comment na lang. hehe.

    ReplyDelete
  6. talap naman ng mga chibog na yan. hehe.. dabest para sken ang... tahoooooo! yung tipong natataranta ko kakahanap ng barya bago makalayo si mamang taho =)

    ReplyDelete
  7. A good article that shows the Pinoy's different kind of street foods. Nowadays, You see all these foods in almost every place in our community

    ReplyDelete
  8. Hilig mo talga yan no. Matagl ko ng alam. Alam mo namang alam ko lahat ng mga paborito mo. Imposibleng makalimutan ko yung mga yun. Ako naman kc walang kinakain sa mga yan. Hehe. Alam mo din naman yun dba. Masyado kc tayong maraming alam sa isa't isa no? hahaha.

    ReplyDelete
  9. Paborito qo rin yang mga yan barbs., Lalo na yung fishball., Hindi nkakasawa kc. hehe. ang cute nman ng blog mo., ang kikay din. haha.

    ReplyDelete
  10. 2h062x j3j3j3... yhummew. ^_^

    ReplyDelete
  11. SARAPPPPP! SWABEEEE yan mga pagkain n ganyan! jan tau magkakasundo sa mga pagkaing nakakamatay, hehe..

    ReplyDelete
  12. SARAPPP!! paborito namin yan ni herman!! haha..... kbusog!

    ReplyDelete