Laking pasasalamat ko na lang at binigyan ako ng Maykapal ng isang pamilyang maasahan ko sa lahat ng oras. Sila ang mga unang taong dadamay sa akin sa lahat ng oras at pagkakataon. Sila ang mga taong naniniwala sa akin.
Makita ko pa lang ang aming "Tatay Ferdie",natatawa na kaagad ako. Marahil isang kwela na tao ang pagkakakilala namin sa kanya. Pambihira ang pasensya at pagtitiyaga. Laging niyang tinitignan ang lahat ng bagay bilang isang positibong bahagi ng buhay. Tunay nga namang madiskarte at maabilidad. Kung sa bahay namin,lahat ay nawawalan na ng pag-asa, siya pilit pa ring gumagawa ng paraan upang lutasin ang problema. Iyon nga lang, matampuhin at madrama. "Emo" nga kung siya'y tawagin namin.
Ang aking "mama" naman, Beth sa pagkakakilala ng marami, ay sadya nga namang napakaingay. Sa tuwing pagkagaling sa opisina, ultimo mga kapitbahay alam na alam kapag nakauwi na siya. Kahit alikabok kasi na makita sa bahay namin, ikinagagalit niya. "Bakit hindi na naman kayo naglinis ng bahay??". "Parang hindi kayo mga babae!". Alam na ng buong subdivision ang linya niya. Kilala na nga rin ako ng mga kapit-bahay. Ngunit kahit ganoon siya "kadaldal", tunay nga namang mapagmahal na ina si "Mama". Walang ibang inisip kung hindi ang aming kapakanan. Maalaga at maasikaso din. Sa tuwing kinakakapos kami ng panggastos, hindi na siya halos kumakain sa opisina para makatipid lang at maiuwi sa bahay iyong dapat na pangkain niya. Iyan ang nanay ko.
Mayroon din naman akong mga itinuturing na mga "guardian angels" kuno. Sila ang mga kasama ko pagdating sa "kakikayan". Sila Bean at Bianca. Mga kapatid kong saksakan ng kulit. At alam kong kakampi ko sa lahat ng bagay. Maasahan. Maswerte ako at nagkaroon ako ng mga babaeng kapatid na laging nariyan para sa akin. Bonding moments siguro namin, e iyong "ayusan ng buhok", "camera moments", at usapan tungkol sa mga "boys" (madalas na inaasar sa amin ni Papa).
Si Ferdz naman ang pinananiniwalaan kong pinakambait sa aming lima. Masunurin at magalang. Hindi palasagot sa magulang at nakatatandang kapatid. Tulad ng tatay ko, mahaba din ang pasensya. Kabaligtaran naman ng tatay ko, si Ferdz, wala talagang kalambing-lambing sa katawan. May mga pagkakataon na naiinis nga ko sa kanya kapag wala siyang emosyon sa mga bagay-bagay sa mundo. Pero kahit lalake, hindi siya sakit sa ulo. Masipag mag-aral. Walang chix,chix. Simple at mabait na bata.
Eto na namang huli kong babanggitin ang pinakaspecial sa buhay ko. C "thirdy". Apat na taong gulang, pero ang utak, aakalain mong nasa bente anyos na. Dinaig pa nga niya iyong mga prof ko kapag nagtanong. Iba kasi ang takbo ng utak. Masyadong malalim mag-isip. At kung iyong mga kapatid kong iba ay kaya kong isahan, ibahin nyo c Third. Siya ang pinakamahirap isahan sa amin. Ibang klase ang memory. Hay,hay,hay. Nawawala ang pagka-bad mood ko sa oras na kinausap na niya ko at magtanong ng kung ano-anong bagay. Sobrang lambing din niya at seloso din. Masasabi kong kakaibang bata siya sa lahat ng nakilala ko. Siya ang bunso at baby ng Villanueva family, c Third.
Buhay ko nga ay kumpleto na basta sila ang kasama ko. Ang VILLANUEVA FAMILY.
ang kyut.. srap basahin.. haha !! nice one.... :]]
ReplyDeletemasarap talaga basahin no?? sweet nya sobra. wala ko masabi. hehe.
ReplyDeleteAng ganda naman nito. Sigurado matotouch family mo dito. Ganda! Iba talaga kapag family no? Iba sa lahat. Natuwa ko pagkabasa ko nito. Naalala ko din mahal kong pamilya. Hehe.
ReplyDeleteAng cute nyo naman sa mga pics. Parang ang sasaya nyo tignan. Laki na ni third talga ha. haha. bka magulat ako malaman ko may pinopormahan na yan ha.mukang chikboy.may pinagmanahan ba yan?haha. galing mo talaga.you know how to organize your ideas. bilib talga ko sayo.
ReplyDeleteUi slmat sa mga pambobola.. Este sa mga compliments pla.. Heheh.. Thnk you.. Ktuwa nman mga comments.. Slmat..
ReplyDelete...binobola kba nla?! wow sis ha,.. iba ka talaga,. no match talga ko sayo pagdating dyan., whaha., love you girl!
ReplyDelete