![]() |
| I love being hurt by someone I love.. |
Nakakatawang isipn na pagdating sa problema ng ibang tao, magaling tayo magpayo o magsalita ng dapat gawin? Pero hindi ba natin naiisip na kapag dumadating naman sa atin ang mga ganoong pangyayari, iba rin naman ang ginagawa natin sa dapat na ipnayo natin. Ganyan kagulo ang tao. Hindi mo maintindihan kung anong gusto palabasin. Masakit talaga sa ulo. Naiisip mo din naman na walang mali sa mga sinabi mo pero bakit ikaw mismo hindi mo magawa,o diba?
Halimbawa ko sa inyo:
1. "Makipagbreak ka na diyan!"
o di kaya'y
2. "Wag ka na makipagbalikan diyan,lolokohin ka na naman niyan!"
Pamilyar ba? Ang bilis sabihin pero kapag sa'yo sinabi, kahit sa panaginip hindi mo magawa. Mas masarap pa mag-exam ng buong araw kaysa planuhin mo kung paano sismulan.
Magulo din ang isip ng mga taong inlab. Hindi mo malaman ano talaga ang gusto nilang sabihin.
Halimbawa ko sa inyo:
1. "Sobrang masaya ang buhay ko sa kanya! Pwede na nga ko mamatay bukas e!"
o di kaya'y
2. " Hindi ko alam na ganito kasarap magmahal! Sabi ko na nga ba e!"
Ang gulo diba? Ewan ko ba.
![]() |
| I love being inlove.. |
Ang mga taong inlab naman,hanep! Kapag pinaiyak sila ng mga mahal nila, anong kadalasang ginagawa? Hahanap ng kaibigan, at sasabihin lahat ng pwedeng sabihin na against sa mga minamahal nila. Ganyan na ang nature ng mga tao. Iiyak,magsisisi kunwari at kung bakit pa daw siya nagpaloko. O diba tama?
E yung mga taong hindi naman inlab? Pansin nyo naiinis sila sa mga lovers na "PDA". Pero subukan mo na sila magka-boyfriend/girlfriend, tignan nga natin kung hindi din nila gagawin yun. Sila rin mismo ang magsasabi sa mga sarili nila na wala namang masama sa ginagawa nila.
Ilan pa lang iyang mga bagay na talagang nagpapatunay na magulo ang tao pagdating sa pag-ibig. Sala sa init, sala sa lamig. Roller Coaster ang emotion. Mahal nila, sinaktan sila kaya hindi na niya mahal, naging ok sila kaya mahal na niya ulit. Iyan ang mundo ng pag-ibig!


