Thursday, March 21, 2013

THE PERFECT TITLE..


A hundred hearts would be to few to carry all my love for you.
Love, love, love...-Love really moves in mysterious ways. Hindi mo lagi ineexpect, kumbaga malayo sa katotohanan. Magugulat ka na lang na andyan na lang. Magulo na masaya. Pareho kong naramdaman ang dalawang emosyon na ito nang makilala ko SIYA.


 








Magulo siguro kasi nagsimula kaming dalawa sa bagay na talagang malabo. Hindi maipaliwanag. "Mahirap nga namang kasing mag-assume". Hangga't hndi ka sigurado na ganoon nga ang nagyayari. Ang mahalaga sa amin noon ay MASAYA kami. Nag-eenjoy kami. Dun lahat iyon nagsimula. Sa kulitan, kwentuhan at asaran ay magkasama kami. Nakilala niya yung tunay na ako, ung walang halong pagpapanggap at pag-iingat sa kung ano man ang sasabihin ng iba. Nakilala ko din siya. (Hindi naman pala siya masungit, SOMETIMES lang). Nakakita ako ng isang KAIBIGAN sa pagkatao niya.



Nagkasundo rin kami sa maraming bagay. Nung una'y siya ang nag-aadvise sa akin tungkol sa mga problema ko sa dati kong kaibigan. Pareho kaming makulit.  Lagi rin niyang sinasabi na lagi ko siyang sinisigawan (senyales kasi iyon na nagiging komportable ako sa kanya). Hindi naman kasi normal sa akin yung ganung gawin kung saan kami nagtratrabaho.  Mabilis kasi akong naging komportable sa kanya. Sabi nga niya, "Nagsimula kasi tayo sa eksena na walang malisya". Siguro iyon nga ang dahilan bakit kami napalagay sa isa't-isa. Hindi lang ako ang nakasundo niya, nakilala rin niya ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko, ang aking pamilya. Birthday ko nung una niyang makilala sila papa. Sabihin man niya na ginagawa ko siyang clown, siguro totoo nga yun dahil makita ko lang siya natatawa na ako. Madalas ko nakakalimutan ang mga problema ko kapag nadiyan siya. BASTA MAY IBA.


Nasanay kami na lumalabas nang magkasama. Naging masaya ako sa companion niya. Habang tumatagal, nasanay ako na andiyan SIYA. At mas nalaman ko sa sarili ko kung sino talaga siya sa buhay ko. Marami ang nagtatanong. Kung kami ba daw, kung anong meron sa amin. Sa totoo lang, nalilito ako kapag may nagtatanong ng ganoon. Malabo nga kasi di ba. Nung una na may nagtanong nun, nailang ako. Inisip ko, ganun ba talaga ang pinapakita naming dalawa. Pero nang tumagal, napapangiti na ako tuwing may nagtatanong nang ganun. Bakit nga ba? Siguro kasi natutuwa na ako na may nakakapansin na nagkakapalagayan kami ng loob. Wala rin akong nakitang dahilan para pigilan yung ganung nararamdaman ko. Kasi gusto ko rin yun.



 Dumating ako sa part ng buhay na kailangan kong magdesisyon, ang mamili.  Nagawa ko nga iyon at hindi ako nagsisisi/magsisisi. Nang maging malinaw ang lahat, doon ko naramdaman na MASAYA ako. Masaya ako na kasama siya. Siya ngayon ang isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Kuntento ako basta andiyan siya. Sa mga pagkakataon na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, oo malungkot pero lagi kong iniisip na hindi naman kami bibigay sa kahit anong problema basta magkasama kami. Kaya nagiging okay na rin agad ako. Wala akong nakakalimutan na kahit pinakamaliit na detalye na tungkol sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon at magiging masaya ako sa mga susunod pang mga araw.  Para sa mga nagtatanong pa rin, OO mahal kita Jaypee abella Maghuyop. 

No comments:

Post a Comment