Thursday, March 21, 2013

ANG BAGONG AKO..

Sa kasalukuyang sinusulat ko ito, katatapos ko lang tumawa, ngumiti at alalahanin ang mga bagay-bagay nung COLLEGE student ako. Muli ko nabasa yung mga dati kong posts sa blog ko. Nakakatuwang balikan ang mga iyon. Nakakatuwa rin na basahin yung mga comments sa akin, at naniniwala na kaya ko talagang magsulat. Ang tagal ko na rin palang hindi nakapagsulat. Nakakamiss. 

Pagkatapos kong makuha ang degree ko nung college, marami na rin ang mga pagbabagong nangyari sa akin. Gusto kong isa-isahin ang mga ito.

- Natutunan ko nang mahalin ang aking kurso na dati ay parang laro lang sa akin. Journalism kasi talaga ang gusto ko sanang tapusin na kurso. Sabagay, hindi pa naman huli ang lahat. Posible pa rin naman na mag-aral ako ulit at kunin ang course na gusto ko talaga. 

-Malaking bahagi siguro nito ay iyong naging "IT Instructor" ako pagkatapos nung college. Madalas akong nakakapagbasa ng mga libro at nalaman ko yung halaga ng mga IT subjects.

-Mas naging maasikaso at malambing ATA ako mula nang maging instructor ako. Maya't-maya ba naman na magpa-baby sayo ang mga estudyante mong makukulit. May mga panahon rin naman na napapagod ako, ang solusyon lang para mabawasan yung pagkapagod na nararamdaman ko ay pag-iyak. Ganoon kasi ako, iniiyak ko lang ang mga bagay-bagay kapag hindi kona kaya. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko pagtapos ko umiyak. At babalik din ako sa normal.

-Mas naging focus din ako sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko.Pero may mga pagkakataon pa rin na naguguluhan ako sa kung ano ba talaga ang gusto ko (pagdating sa career). Ang mahalaga naman kasi sa akin ay MASAYA ako. 

- Pwede ko rin siguro isama dito na mas naging "mature" ako sa maraming bagay. Ayoko nang masyadong maglaro sa kung saan-saan tulad nung college ako. Naging seryoso ko sa maraming bagay. Siguro ay dahil may nakilala din akong tao na nakapagpabago sa akin. Yung taong nandiyan palagi para sa akin. Hindi man kami laging magkasundo, at may mga away at tampuhan, masasabi ko na masaya talaga ko sa kanya. Marami akong natutunan sa kanya. Natutunan kong magmahal ng mga simpleng bagay mula nung makilala ko siya. Natutunan ko rin na wag masyadong magpahalaga sa mga materyal na bagay. Dahil mas mahalaga sa mga ito, ay yung mga bagay na hindi mapapalitan ng pera. Mga bagay na mas mahalag sa materyal na bagay. 

No comments:

Post a Comment