Thursday, March 21, 2013

THE PERFECT TITLE..


A hundred hearts would be to few to carry all my love for you.
Love, love, love...-Love really moves in mysterious ways. Hindi mo lagi ineexpect, kumbaga malayo sa katotohanan. Magugulat ka na lang na andyan na lang. Magulo na masaya. Pareho kong naramdaman ang dalawang emosyon na ito nang makilala ko SIYA.


 








Magulo siguro kasi nagsimula kaming dalawa sa bagay na talagang malabo. Hindi maipaliwanag. "Mahirap nga namang kasing mag-assume". Hangga't hndi ka sigurado na ganoon nga ang nagyayari. Ang mahalaga sa amin noon ay MASAYA kami. Nag-eenjoy kami. Dun lahat iyon nagsimula. Sa kulitan, kwentuhan at asaran ay magkasama kami. Nakilala niya yung tunay na ako, ung walang halong pagpapanggap at pag-iingat sa kung ano man ang sasabihin ng iba. Nakilala ko din siya. (Hindi naman pala siya masungit, SOMETIMES lang). Nakakita ako ng isang KAIBIGAN sa pagkatao niya.



Nagkasundo rin kami sa maraming bagay. Nung una'y siya ang nag-aadvise sa akin tungkol sa mga problema ko sa dati kong kaibigan. Pareho kaming makulit.  Lagi rin niyang sinasabi na lagi ko siyang sinisigawan (senyales kasi iyon na nagiging komportable ako sa kanya). Hindi naman kasi normal sa akin yung ganung gawin kung saan kami nagtratrabaho.  Mabilis kasi akong naging komportable sa kanya. Sabi nga niya, "Nagsimula kasi tayo sa eksena na walang malisya". Siguro iyon nga ang dahilan bakit kami napalagay sa isa't-isa. Hindi lang ako ang nakasundo niya, nakilala rin niya ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko, ang aking pamilya. Birthday ko nung una niyang makilala sila papa. Sabihin man niya na ginagawa ko siyang clown, siguro totoo nga yun dahil makita ko lang siya natatawa na ako. Madalas ko nakakalimutan ang mga problema ko kapag nadiyan siya. BASTA MAY IBA.


Nasanay kami na lumalabas nang magkasama. Naging masaya ako sa companion niya. Habang tumatagal, nasanay ako na andiyan SIYA. At mas nalaman ko sa sarili ko kung sino talaga siya sa buhay ko. Marami ang nagtatanong. Kung kami ba daw, kung anong meron sa amin. Sa totoo lang, nalilito ako kapag may nagtatanong ng ganoon. Malabo nga kasi di ba. Nung una na may nagtanong nun, nailang ako. Inisip ko, ganun ba talaga ang pinapakita naming dalawa. Pero nang tumagal, napapangiti na ako tuwing may nagtatanong nang ganun. Bakit nga ba? Siguro kasi natutuwa na ako na may nakakapansin na nagkakapalagayan kami ng loob. Wala rin akong nakitang dahilan para pigilan yung ganung nararamdaman ko. Kasi gusto ko rin yun.



 Dumating ako sa part ng buhay na kailangan kong magdesisyon, ang mamili.  Nagawa ko nga iyon at hindi ako nagsisisi/magsisisi. Nang maging malinaw ang lahat, doon ko naramdaman na MASAYA ako. Masaya ako na kasama siya. Siya ngayon ang isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Kuntento ako basta andiyan siya. Sa mga pagkakataon na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, oo malungkot pero lagi kong iniisip na hindi naman kami bibigay sa kahit anong problema basta magkasama kami. Kaya nagiging okay na rin agad ako. Wala akong nakakalimutan na kahit pinakamaliit na detalye na tungkol sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon at magiging masaya ako sa mga susunod pang mga araw.  Para sa mga nagtatanong pa rin, OO mahal kita Jaypee abella Maghuyop. 

ANG BAGONG AKO..

Sa kasalukuyang sinusulat ko ito, katatapos ko lang tumawa, ngumiti at alalahanin ang mga bagay-bagay nung COLLEGE student ako. Muli ko nabasa yung mga dati kong posts sa blog ko. Nakakatuwang balikan ang mga iyon. Nakakatuwa rin na basahin yung mga comments sa akin, at naniniwala na kaya ko talagang magsulat. Ang tagal ko na rin palang hindi nakapagsulat. Nakakamiss. 

Pagkatapos kong makuha ang degree ko nung college, marami na rin ang mga pagbabagong nangyari sa akin. Gusto kong isa-isahin ang mga ito.

- Natutunan ko nang mahalin ang aking kurso na dati ay parang laro lang sa akin. Journalism kasi talaga ang gusto ko sanang tapusin na kurso. Sabagay, hindi pa naman huli ang lahat. Posible pa rin naman na mag-aral ako ulit at kunin ang course na gusto ko talaga. 

-Malaking bahagi siguro nito ay iyong naging "IT Instructor" ako pagkatapos nung college. Madalas akong nakakapagbasa ng mga libro at nalaman ko yung halaga ng mga IT subjects.

-Mas naging maasikaso at malambing ATA ako mula nang maging instructor ako. Maya't-maya ba naman na magpa-baby sayo ang mga estudyante mong makukulit. May mga panahon rin naman na napapagod ako, ang solusyon lang para mabawasan yung pagkapagod na nararamdaman ko ay pag-iyak. Ganoon kasi ako, iniiyak ko lang ang mga bagay-bagay kapag hindi kona kaya. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko pagtapos ko umiyak. At babalik din ako sa normal.

-Mas naging focus din ako sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko.Pero may mga pagkakataon pa rin na naguguluhan ako sa kung ano ba talaga ang gusto ko (pagdating sa career). Ang mahalaga naman kasi sa akin ay MASAYA ako. 

- Pwede ko rin siguro isama dito na mas naging "mature" ako sa maraming bagay. Ayoko nang masyadong maglaro sa kung saan-saan tulad nung college ako. Naging seryoso ko sa maraming bagay. Siguro ay dahil may nakilala din akong tao na nakapagpabago sa akin. Yung taong nandiyan palagi para sa akin. Hindi man kami laging magkasundo, at may mga away at tampuhan, masasabi ko na masaya talaga ko sa kanya. Marami akong natutunan sa kanya. Natutunan kong magmahal ng mga simpleng bagay mula nung makilala ko siya. Natutunan ko rin na wag masyadong magpahalaga sa mga materyal na bagay. Dahil mas mahalaga sa mga ito, ay yung mga bagay na hindi mapapalitan ng pera. Mga bagay na mas mahalag sa materyal na bagay.