I.S., Information System ng National College of Business and Arts. Iyan ang kursong pinasok ko, kasama ng iba ko pang mga kaklase ngayon. Sa kasalukuyan, 3rd year college na kami. Biruin nyong umabot ako ng ganung katagal sa larangang ito. Hindi na rin masama. Programmer daw ang mga naghihintay na trabaho sa amin, iyan ang sabi nila. Ang sarap pakinggan. Sa pagkakaalam ko, malaki ang sweldo ng mga taong may ganoong trabaho. Kahit hindi ka na mangibang-bansa, JACKPOT. Mawawala problema mo sa datung. Pero bakit nga ba malaki sweldo ng isang programmer no? Hindi ba kayo nagtataka?
Malaki siguro ang sweldo nila dahil sa oras na naging ganito ang trabaho mo, tiyak na dudugo ang ilong mo sa araw-araw. Eh kung kami ngang mga estudyante, nag-iiyakan kapag DEFENSE eh. Kami ba o ako lang ata ang umiyak nun? Tandag-tandang ko ang araw na iyon. First time ko sumabak sa ganun. KABALIW!! Teka, balik tayo sa pagiging programer. Ayun nga, dudugo ang ilong nila dahil sigurado malaki ang tiwala sa kanila ng kompanya kaya nga sila tinanggap diba? Hanggang pagtulog nila, susundan sila ng sangkatutak na troubleshooting at applications.
Karugtong nito, marahil kapag dating sa COMPUTER AT INTERNET, sila agad ang lalapitan. Hello naman kasi, mga tao lang din iyang mga iyan. Hindi nila alam ang lahat. May mga bagay na kailangan pa silang pag-aralan. Tulad namin, lalo na ngayon, umaasa kami na mapapaunlad ang mga bagay na kaugnay ng aming kurso at pagkatao. Hindi lahat ng bagay ay pamilyar na kami.
Isa pa, kung ano-anong system na ang nasa utak nila. Minsan nga, nagkakalabu-labo na. Ikaw ba naman ang makakita ng sangkatutak na codes, ewan ko na lang. Ang masaklap pa, kapag hindi mo naiintindihan yung mga yun. Kaloka. Sa totoo lang, nahihirapahan din ako sa ganyan. Ewan ko na lang sa iba kong kaklase. Pero tingin ko naman, pare-pareho lang kami. Kabaliw talaga. Codes,codes,codes.
Pero sa kabila ng lahat ng sakit ng ulo na ganito, masasabi kong MASAYA KO. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong nilalabanan mo ang mga bagay na dati-rati'y hidni mo maisip na tatahakin mo. Iyan ang buhay I.S, Sadyang napakakulay. Ang sarap din sa pakiramdam na alam mong nariyan ang mga tinuturing mong mga kaibigan na dadamayan ka kapag hindi mo na kaya. Kakaiba at sayang "MEMORABLE", Iyan ang buhay namin. Walang duda, I.S. NGA KAMI.