Saturday, July 31, 2010
A letter for myself..
Tuesday, July 27, 2010
"LOVE" according to him
Saturday, July 24, 2010
Panaginip na lamang ba?
Friday, July 9, 2010
???
Hindi ko alam kung bakit ako nagsulat at “nag-post” ngayon ng wala sa oras. Sa totoo lang, kanina pa ako nagiisip na maari kong isunod na isulat dito. Nakakatuwang isipin na dahil sa isang insekto na nakita ko ay nakaisip ako ng maaring isulat. Hulaan nyo kung ano iyong tinutukoy ko? Ipis.
Ewan ko ba, ngunit sa tuwing nakakakita ako ng ganitong insekto, kakaibang takot na agad ang nararamdaman ko. Sabi ng nanay ko, subukan ko daw pumatay ng isang ipis at mawawala iyong takot na sinasabi ko sa inyo ngayon. Siguro sabihin na lang natin na hindi ko narinig ang anuman dun dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa. Sa tuwing makakakita ako ng mga ipis sa loob ng aming bahay, sigurado na may maririnig ka na agad na sumisigaw at kung kani-kaninong pangalan ang tinatawag.Nariyan pa yung tipong magbabagsakan yung mga plato sa kusina. Huwag ka na magtaka kung sino yun, walang iba kung hindi AKO. Tunay nga namang ang lakas ng “impact” nila sa akin, walang duda. Mas malakas ang “impact” sa akin ng mga ipis na lumilipad. Sila ang pinakanakakasindak sa akin. Nakakatakot. Ngunit siguro, may bahagi din na nakakatuwa doon. Iyon ay yung kapag naghahabulan na kaming dalawa. Ako yung hinahabol.
Naalala ko may isang pagkakataon na kung saan halos hindi talaga ako nakatulog magdamag. Tag-ulan noon. Sa tuwing ipipikit ko na ang aking mga mata, may mga mararamdaman akong gumagawlaw. At tama ka, iyon nga ang aking mga bespren. Talagang ayaw akong patahimikin. Hanggang sa pagtulog ba naman? Kaya nga badtrip ako nun paggising ko. Ikaw ba naman ang hindi matulog sa gabi diba?
Sila nga ang nagpatunay sa akin nung madalas ko naririnig na "Lahat ng nakikilala mo ay may gagawing mahalagang parte sa buhay mo". Tama nga naman. Tulad nila diba? Sila siguro yung mga maituturing kong KATAPAT ko. Iyan ang mga ipis para sa akin.
Thursday, July 8, 2010
Ang Aking "Superman"..
He's just an amazing guy for me.. |
Sino sa inyo ang may itinuturing na idolo? Sigurado marami sa atin ang humahanga sa mga sikat na artista, mga banda, mang-aawit, at marami pang iba. Ako rin ay tulad ninyo. Mayroon din akong hinahangaan. Hayaan nyo kong ipakilala siya sa inyo at tiyak ko na mauunawaan nyo kung bakit siya ang napili ko.
Saturday, July 3, 2010
Drive yourself crazy
Hindi nyo ba napapansin, napakaraming libro, magasin at kung ano-ano pa ang lumalabas ngayon para magbigay ng mga tips kung paano mapapabuti ang buhay natin? Sigurado ko may mga nabasa ka ng ganyan. Subalit kahit ganoon, mayroon pa ring mga tao na pinipili na gawing miserable ang mga buhay nila. Nandito ko para tulungan ang mga taong iyon. Narito ang mga tips na dapat sundin para gawing magulo at miserable ang buhay mo. * Wag mag-isip ng mga problema mula umaga hanggang bago maghatinggabi. Kapag dating ng alas-dose, simulan ang mabigat na pag-iisip. Isipin ang lahat ng problema kahit yung mga problemang parating pa lang. * Gumawa ng listahan ng iyong mga kahinaan. Huwag isama ang mga tamang nagawa sa buhay. Pumili rin ng mga kaibigan na magpapaalala sa'yo ng mga kapalpakan na nagawa mo. Kung wala kang makita, sigurado ko na mayroon 'yan sa mga kamag-anak mo. * Pangarapin mo ang mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga. Isipin na mas marami pang mas magaling sayo. * Gawin ang lahat ng gawain sa "last minute". Sa ganitong paraan, sigurado na maiistres ka agad. * Matulog kahit apat na oras lang. Uminom ng maraming kape. Hangga't kaya ng katawan, piliting huwag mag-ehersisyo. * Huwag ipaalam sa iba ang iyong nararamdaman. Hayaan mo silang madiskubro iyon sa sarili nila. Isiping obligasyon nila iyon,at hindi sa iyo. * Huwag magtiwala kanino man. Solusyunan ang problema ng mag-isa. * Iwasang magpahinga o kahit ang magbakasyon. Isiping gastos lang yan. At mas mabuti na magtrabaho lang ng magtrabaho. Kaag sinunod mo ang mga tips na ito, siguradong sasakit ang ulo mo. Hindi ba kahit nung binabasa mo pa lang ay ganun na rin ang nararamdaman mo? Let's drive ourselves crazy.
Friday, July 2, 2010
Bespren ba kita?
1. May mga pagkakataong inuuna niya ang kapakanan mo kaysa sa sarili niya.
2. Mahalaga sa kanya ang anumang sasabihin mo.
3. Handa siyang pakinggan ang lahat ng paliwanag mo.
4.Nakikita mong siya ang huling taong iiwan sayo.
5. Hindi ka niya hinusgahan kahit minsan.
6. Karamay mo siya sa lahat ng kaganapan sa buhay mo.
7. Hindi siya nandyan sa magagandang parte ng buhay mo, kung hindi sa mga panahong hindi mo na kayang ngumiti.
8. Tiwala siya sa lahat ng sinasabi mo.
9. Lumalakas ang loob mo kapag kasama siya dahil alam mong naniniwala siya sa kakayahan mo.
10. Siya ang una mong naiisip na sabihan ng mga bagay-bagay tingkol sa'yo.
11. Handa siyang ibahagi sa'yo ang anumang meron siya.
Higit sa lahat, siya ang taong sandalan, kasangga at karamay mo sa lahat ng bagay. Iyan ang bestfriend. Siya ang bestfriend ko.